Add parallel Print Page Options

8 “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal,
    hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,
    lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
9 Mabangis(A) na leon ang iyong larawan,
    muling nagkukubli matapos pumatay;
ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,
    walang mangangahas lumapit sinuman.
10 Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan
    sa kanya kailanma'y hindi lilisan;
mga bansa sa kanya'y magkakaloob,
    mga angkan sa kanya'y maglilingkod.

Read full chapter