Add parallel Print Page Options

Purihin si Yahweh

150 Purihin si Yahweh!

Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan,
    purihin sa langit ang lakas na taglay!
2 Siya ay purihin sa kanyang ginawa,
    siya ay purihin, sapagkat dakila.

3 Purihin sa tugtog ng mga trumpeta,
    awitan sa saliw ng alpa at lira!
4 Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin,
    mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin!
5 Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang,
    sa lakas ng tugtog siya'y papurihan.
6 Purihin si Yahweh lahat ng nilalang!

Purihin si Yahweh!